Kwento ng isang batang naghihinagpis dahil sa pagkawala ng isang taong malapit sa kanya...
Ito ang salaming ng aking buhay!
Walang kasing sakit ang mawalan ng isang tatay.
|
Ang pagpatak ng uhaw
ay limos sa poon
Nangalirang paghuhulog
ng pansin sa nakaluklok
Ng dilim anyaya sa gripong
hindi lumulubos
‘Di sapat ang pagpigil sa hininga
Na magsalikop sa buga
Bumanting sa mga labi
dito pikit na bumabataw
Ang hagap at halos ‘di
sukat malipos ang kipot
Ng anak na nagbibigkis
Sa salitang nais ipabatid:
Ang pagpanaw mo, saki’y nagdala
ng paghanap ng pagmamahal
Ang higpit ng iyong yakap
aking kinukuha sa iba
Laksang patak tila nga
bilad at walang masilungan
Bukod sa titig na tanging
makapagtatatago sa hagilap
Kung aking hihimayin aking damdamin
gusto ko lang ipabatid:
Mahal kita at alam ko
na mahal mo rin ako.
Hinahanap kita ITAY!
Hinahanap kung saan!
2 comments:
once upon a time, this was the same sentiment of my heart.
Happy birthday, JM! Ad multos annos, amice me. Nada te turbe in tempore tuo, et in temporibus omnibus. Et benedicat Dominus Omnipotens in nomine Patris, et Filii, et Spiritus Sacti.
Post a Comment