Saturday, September 15, 2007

Gisukilat Kapatid

Gising mga kapatid
Tayo na’t bumangon

Harapin ang bawat pagsubok

Matutu ng bagong leksyon

Sulong mga kapatid
Tayo na't magsama-sama
Upang problema’y masulusyonan
Nang puso ay mapapangiti

Kilos mga kapatid
Gamitin ng wasto ang oras
Gawing makasaysayan ang buhay
Patungo sa poong may kapal.

Mulat ang inyong mata
Sa tunay na mundo
Pagmasdan ang kapaligiran
Unti-unting nakakalbo.

Gising, sulong, kilos
Bigyang kulay ang mundo
Halika na’t kumilos ka
Ibuhos ang inyong sigla

Sumulong ka at harapin ng
magkaisa lumingon sa nakaraan
gumising sa katotohanan
sa pagkat Diyos lamang
ang magdidigta sa buhay
at sa tunay na paglalakbay na ito.

0 comments: